Balikatan Exercises sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino, muling umarangkada sa bansa

Muling isinagawa ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang taunang Balikatan Exercises.

Ito ay matapos na makansela noong nakaraang taon dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo, ngayong araw, April 12, 2021, ay muling sinimulan ang ika-36th Balikatan Exercises sa Pilipinas na magtatagal hanggang April 23, 2021.


Pero tiniyak ni Arevalo na mas mahigpit nilang ipapatupad ang mga health protocols requirements at babawasan ang participants.

Ang pagsasanay na ito ayon kay Arevalo ay kinakailangan ng face -to- face engagement kaya binawasan ang mga participants.

Tiniyak naman ni Arevalo na ilalahad nya ang iba pang update sa aktibidad na ito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments