Ballot printing, posibleng maagang matapos – Comelec

Manila, Philippines – Mapapaagang matatapos ang pag-iimprenta ng mga balota para sa May 13 midterm elections.

Nabatid na target ng Commission on Elections (Comelec) na matapos ang ballot printing sa April 25.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – nakumpleto na nila ang 30% ng nasa 64 million na balota.


Aniya, maaaring matapos sila, 10 araw na mas maaga sa itinakdang deadline.

Sa huling tala ng poll body, nasa 19.7 million na balota na ang naimprenta.

Nasa 61,843,750 registered voters ang inaasahang boboto sa nalalapit na eleksyon.

Facebook Comments