Ban sa importasyon ng vape, ipinatupad na ng Gobyerno

91

Sinimulan na ng Gobyerno ang ban sa pag-i-import ng vape sa bansa.

 

 

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, inumpisahan na ng Bureau of Customs ang de facto ban sa import ng mga makina, equipment at pods na ginagamit sa paggawa ng vape.


 

 

Kabilang sa mga sumulat at nagsulong sa import ban ng vape ang Food and Drug Administration (FDA), National Tobacco Administration (NTA) at Department of Trade and Industry-Product Standards (DTI-PS).

 

 

Ibinulgar ni Salceda na ilan sa mga dahilan ng ban sa import ng vape ay health risks at kawalan ng permit para ma-regulate ang vape.

 

 

Natuklasan ng FDA na may 100 vape cartridges silang nasuri na nilagyan ng liquefied marijuana na malayang nagagamit ng mga vape users.

 

 

Bukod dito wala ring permit mula sa NTA at DTI-PS para ma-regulate at mabuwisan ng tama ang mga vape.

 

 

Sinabi pa ni Salceda na may pag-aaral pa sa Estados Unidos na 87% ng mga injuries ay galing sa iligal na paggamit ng vape at ito ang nais iwasan ng gobyerno na mangyari sa bansa.

 

 

Nakasaad naman sa sulat ng NTA sa Customs na binibigyan naman ng exemption sa ban ng importasyon ng vape kung ito ay “for personal consumption”  pero may itatakdang limitasyon o sukat.

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers