Ibang Klase ito… FINAL EXAMS na may HUGOT-INSTRUCTIONS sa Bicol State College, CamSur – Trending Ngayon

Proud student mo po ako…
Ito ang masayang sinabi ni Felix Archos, Jr. estudyante ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) – College of Education sa resulta ng kanyang final examination na ibinigay ng controversial teacher na si Professor Marvin Pila.
Marami ang nag-appreciate ng pagiging pagkamalikhain ni Professor Marvin sa ibinigay niyang instructions sa final examination ng kanyang mga estudyante bago magtapos ang klase ngayong semester.
Trending ngayon si Sir Marvin sa campus at social media dahil sa pagkakasulat niya ng Test Instructions na may pitik-hugot na usung-uso ngayon sa mga millennials.
Ipinost pa ng estudayanteng si Felix Archos ang photo ng examination paper kung saan mababasa ang mga hugot-instructions.
Sa General instructions ng examination paper, nakasaad ang sumusunod:
· “Huwag kang lilingon sa katabi mo, baka magkatitigan pa kayo, ma-inlove ka pa… Eww, di ba?…
· Mas madali tong sagutin kesa sa tanong ng manloloko mong bf/gf mo sa ‘yo na “Mahal mo pa ba ako?”
· Do not cheat. Naranasan mo na ang maloko, ANG SAKIT DI BA? All caps yan para ramdam mo.
· Relax ka lang. Exam lang to. Mas malaki ang chance na pumasa ka dito kesa pumasa sa puso ng crush mo.”
Sa True or False naman, nakasaad sa panuntunan ang: “Write LOVE U if the statement is TRUE and write if the statement is FALSE. Dahil tama ang pagmamahal mo pero sa maling tao. Kaya cover your paper at baka makita ng katabi mo kung sino ang crush mo. Don’t worry, Finals na ‘to. Hindi to malalaman ng mga kaklase mo.
Marami ang naka-appreciate sa istilo ni Professor Marvin. May nagsasabing ang mga teacher ngayon ay kailangan ng mag-innovate sa istilo ng pagtuturo para maging effective sa proseso ng pagkakatuto ng mga estudyante.
Kaya proud ako na-motivate kami, walang mali sa taong ngbibigay ng halaga sa kapwa tao. Proud student mo po ako!… dagdag pang pahayag ng estudyanteng si Felix Archos, Jr. na sobrang nag-enjoy at naka-score ng 45 over 50 sa final exam ni Professor Marvin.
credit to fb post of Fe Ar for photo and content

Facebook Comments