Banggaan ng Bus at Motorsiklo sa Santiago City, Dalawa Patay!

6464

Idineklarang Dead on Arrival (DOA) ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo matapos mabangga ng isang pampasaherong bus sa bahagi ng Daang Maharlika sa Brgy. Batal, Santiago City pasado ala una kaninang madaling araw.

Ang drayber ng motorsiklong sinasakyan ng mga ito na nakasuot ng kulay pink na damit ay hindi ma nakikilala at ang angkas nito ay kinilalang namang si Marc Carlo F. Baccay, 26 anyos, residente ng brgy. Dugayong, Echague Isabela habang ang drayber naman ng EMC LBS Bus ay si Ramil. De Guzman, 46 anyos at residente naman ng Brgy. Mansibang Naguilian Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Santiago City Traffic Group ay bumabaybay umano ang dalawang sasakyan sa magkasalungat na direksyon kung saan ay patungong city proper ang motorsiklo habang tinatahak naman ng naturang bus ang direksyon patungong Brgy. Divisoria.

Tinahak umano ng bus ang linya ng motorsiklo dahilan upang magbanggaan ang mga ito at maararo ang motor kasama ang drayber habang tumilapon naman si Baccay sa shoulder lane ng naturang lansangan.

Nagtamo naman ng matinding sugat sa katawan ang dalawang biktima kaya’t agad nirespondehan ng mga otoridad at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya naman ng Traffic Group ang drayber ng Bus maging ang kanilang mga sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments