Driver ng ambulansya at traffic enforcer, nabangayan; pasyente ng ambulansya, binawian ng buhay

533

Ipinag utos ng alkalde ng Cagayan de Oro na imbestigahan ang nangyaring argumento ng isang ambulance driver at isang traffic aide sa lungsod.

Sa kuha ng video ng isang Ardy Lira Cabuena, ang anak ng pasyente na sakay ng ambulansya na pinag mamay-ari ng Capitol University Medical Center, makikita na nagtatalo ang driver ng ambulansya at traffic aide ng Roads and Traffic Administration, habang may sakay itong naghihingalong pasyente na patungo sa hospital.


Basi sa nakuhang video, ay tinabing ng  isang  RTA enforcer ang nagmamadaling ambulansya sa kalagitnaan ng CM Recto Osmena junction, kung kayat bumaba ang driver ng ambulansya at nakipang bangayan.

Napag-alaman na namatay ang pasyente ng ambulansya.

Dahil dito, nanawagan si mayor moreno sa taumbayan na huwag munang husgahan ang sino man, dahil pina iimbestigahan nito ang nangyari.

Facebook Comments

From Advertisers