Cauayan City, Isabela – Nasawi ang isang laborer matapos magbanggaan ang
dalawang single motor sa kahabaan ng National Highway, Minante 2 Cauayan
City partikular sa ginagawang tulay, sa oras na 9:30 ng gabi, March 17,2018
Sa nakalap ng impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Cauayan City, nakilala ang
nasawi na si Lino Agaran Salazar, 25 anyos, walang asawa at residente ng
District 1, Cauayan City at kalahok sa Quirino Motorismo Endurance
Challenge o QMEC, kung saan minamaneho nito ang isang Keeway single motor
na pula at walang plaka.
Samantala ang isang Suzuki Raider 150 na kulay asul ay minamaneho ni Dennis
Borja Movida,34 anyos, walang asawa, isang merchandizer at residente ng
Quezon Solano Nueva Vizcaya.
Batay sa pangyayari, kasalukuyang binabagtas ni Movida ang National Highway
partikular sa ginagawang tulay patungong norte samantalang si Salazar ay
patungong south direction kung saan si Vergel Sibbaluca na isang marshall
ng naturang event o ang QMEC ay nagbigay ng signal kay Salazar na
magdahan-dahan subalit hindi ito pinansin ng huli.
Dahil dito nagbanggaan ang dalawang motor na nagresulta ng matinding
pagkasira at pagkasugat naman ni Movida lalo na si Salazar.
Kaagad na itinakbo ng Rescue 922 si Salazar sa Garcia Hospitan ngunit
nasawi rin ito pagkatapos ng ilang oras samantalang si Movida ay itinakbo
sa District Hospital para sa agarang lunas sa tinamong sugat sa kanang paa
nito.
Nasa PNP Cauayan City ang dalawang motor at sa pinakahuling impormasyon ay pumirma ang biktima ng Affidavit of Desistance sa notaryo ni Atty. Melosino L. Respicio, March 18,2018.