Bangkay natagpuan sa Matalam

Isang di nakilalang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Purok 8 Brgy. Kidama Matalam, pasado alas sais ng umaga noong May 30.
Sa report na ipinarating sa DXMY mula sa Matalam PNP, nagtamo ng multiple stabbed wounds sa kanyang likod at ulo ang biktima at sinasabing maaring sanhi ng kanyang kamatayan.
Tanging pares ng tsinelas lamang ang narecober sa crime scene .
Nasa Collado Funeral Homes na ngayon ang mga labi ng biktima. Habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP.

Facebook Comments