Bangkay ng 13 anyos na batang lalaki na Nalunod, Narekober Na!

116

Santa Maria, Isabela- Narekober na ng mga otoridad pasado alas sais kaninang umaga ang bangkay ng 13 anyos na batang lalaki na nalunod kahapon sa Cagayan River na sakop ng Brgy. Mozzozzin Sur, Santa Maria, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jomel Calata Gatan, 13 anyos, estudyante, at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, naliligo lamang umano ang biktima kasama ang kanyang pinsan na si Dale Gatan Masigan nang aksidente itong malunod sa ilog.

Dinala na sa isang punerarya ang bangkay ng biktima.

Facebook Comments
From Advertisers