Sa report ng Cagayan Provincial Information Office, inihayag ni Police Corporal Mac Lodiven Gulatera, imbestigador ng kaso, kinilala ang babae na si Marissa Fontanilla, 16-anyos, Grade-9 student at residente ng Barangay Lattac, Sto. Ñino.
Ayon sa imbestigador, bago pa man naiulat na nawawala ang biktima ay kasama noon ang kanyang ina noong July 25, 2022 na naghintay ng bangka para makatawid sa ilog pauwi ng kanilang tahanan mula sa pag-aani ng monggo.
Ilang saglit pa ng bigla na lamang umanong umalis ang biktima at hindi na sumama pa sa kanyang ina.
Nagtaka na lamang ang pamilya ng biktima nang hindi na ito umuuwi sa kanilang bahay kung kaya’t kanilang binalikan ang lugar kung saan huli nilang nakita ang dalaga pero bigo silang natagpuan ito.
Agad nakipag-ugnayan ang pamilya sa pulisya para sa nawawalang kaanak hanggang sa kahapon, August 3, 2022 nang matagpuan ang isang bangkay ng babae sa ilog Cagayan at nakumpirmang ito ang nawawala nilang kaanak.
Nabatid na may problema umano sa pag-iisip ang dalaga ayon sa salaysay ng pamilya sa pulisya.