Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa isang banana plantation sa Saranggani Province

General Santos City—patuloy pa ang ginagawang imbistigasyon ng Alabel PNP kaugnay sa natagpuang bangkay ng isang lalaki sa banana plantation sa may Park Maharlika, Alabel, Sarangani Province.

Alas 5:00 ng hapon noong nakaraang araw nang natagpuan ng mga trabahador ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima na nakasuot ng puting t-shirt, itim na jacket at maong na pantaloon na nasa state of decomposition na.

Sa initial investigation ng Alabel PNP, posibling itinapon lang ng hindi pa nakikilalang suspek ang bangkay ng biktima matapos itong pinagsasaksak ng ilang beses na naging sanhi ng kanyang kamatayan.


Pinaniniwalaang hindi residentie ng bayan ng Alabel ang biktima dahil hanggang ngayon wala paring mga naanak ang nag claim ng labi nito sa isang purenarya ng Alabel.
Dahil dito patuloy ang panawagan ng Alabel PNP sa mga residente ng karatig bayan na nawalan ng miyembro ng pamilya na mamaari silang sumangguni sa tanggapan ng pulisya.
DZXL558

Facebook Comments