Bangkay ng Isang Lalaki, Natagpuang Palutang-lutang sa Ilog!

408

Cauayan City, Isabela- Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa bahagi ng Brgy Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jhon Vidad, 27 anyos, truck driver at residente ng Brgy. Tandul, Cabatuan, Isabela.


Dakong 9:10 ngayong umaga nang matagpuan ng concernend citizen ang palutang-lutang na bangkay ng biktima na agad itinawag sa himpilan ng pulisya.

Sa pagresponde ng mga otoridad sa lugar ay nakita ang bangkay ng biktima na nasa ‘state of decomposition’ na.

Kasalukuyan ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments