Lalaki, Patay Matapos Maaksidente at Mahulog sa Drainage!

389

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki habang isa ang sugatan matapos na sila’y maaksidente kagabi sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang nasawi at drayber ng Yamaha Mio na walang plaka na si Jun Revilla, residente ng Brgy. Cabaruan, Quirino, Isabela habang ang sugatan na backrider nito ay si John Mark Delfinado, 12 anyos, residente naman ng Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungong Silangang direksyon ang mga biktima at nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan ay biglang namatay ang headlight ng motorsiklo kaya’t hindi namalayan ang pakurbang daan.

Sumalpok sa puno ng Ipil-ipil ang motorsiklo at nahulog ang dalawang sakay nito sa drainage na sanhi ng kanilang pagkakasugat.

Kapwa isinugod sa pagamutan ng Rescue 888 ang dalawang biktima subalit idineklarang Dead on Arrival (DOA) ang drayber ng motorsiklo.

Facebook Comments