Ilang Ipinagbabawal na Paputok, Nakumpiska sa Lungsod ng Cauayan!

*Cauayan City, Isabela- *Aabot sa halos P3000 halaga ng ipinagbabawal na paputok at Pyro Technic devise ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang tindahan sa Canciller Avenue, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, isang concerned citizen ang nagsumbong sa himpilan ng pulisya kaugnay sa pagbebenta ng isang babae ng mga iligal na paputok.

Nang magtungo ang kapulisan sa lugar ay nakumpirma at nakita ang isang babae na nagtitinda ng iba’t-ibang uri ng paputok.


Agad na kumaripas ng takbo ang nasabing vendor nang siya’y lapitan ng mga pulis.

Nakumpiska ng mga otoridad ang mga naiwang paninda na dalawang (2) pakete ng Piccolo, isang (1) box ng Piccolo at 36 bundle ng iba’t-ibang klase ng Luces.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga nakumpiskang paputok para sa tamang disposisyon.

 

Facebook Comments