Bangkay ng isang sundalong Capizeño na isa sa pinakahuling namatay labanan sa Marawi City, naiuwi na sa Capiz

Roxas City – Labis ang pagdadalamhati ng pamilya Carillo nang dumating sa kanilang bahay kahapon sa Barangay Tawog, Sigma, Capiz ang bangkay ni PFC Alvin John Carillo, 26-anyos na kasapi ng 15th Infantry Battalion, Philippine Army na nakabase sa Lanao Del Norte.

Isinakay si Carillo sa eroplano ng Philippine Air Force mula Mindanao patungong Roxas City Airport kung saan sinalubong ito ng kanyang mga kamag-anak at mga kasapi ng Philippine Army.

Si Carillo ay napatay ng isang Maute sniper noong nakaraang araw ng Linggo habang nagsasagawa ng clearing operation laban sa grupo ng Maute sa nagpapatuloy na labanan sa Marawi City.


Ayon kay Gng. Emma Carillo, kagustuhan ng kanyang anak na magsilbi sa bayan at maging sundalo.
Halos hindi ito makapaniwala sa sinapit ng anak na tatlong taon pa lamang sa serbisyo.

Si Carillo ay pangalawa sa anim at nag-iisang lalake sa kanilang magkakapatid. Dahil binata pa, itinataguyod nito sa pag-aaral ang kanyang mga nakababatang kapatid.

DZXL558

Facebook Comments