Bangkay ng Lalaki, Natagpuang may Tama ng Bala ng Baril sa Ulo

585

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakakilanlan ng bangkay ng isang lalaki matapos matagpuan sa Brgy. San Juan, Cabagan, Isabela.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon Cabagan Police Station, may tama ng bala sa ulo ang biktima habang nakagapos ang mga kamay nito ng matagpuan ng mga awtoridad.


Inaalam naman ang motibo sa pagpatay sa biktima at kung sa lugar ba ito pinatay ng matagpuan o itinapon lamang sa lugar.

Sa ngayon ay nasa isang punerarya ang biktima para isailalim post mortem examination.

Facebook Comments