BANGKAY NG LOLO, NATAGPUAN SA TAPAT NG BAHAY NITO SA ILOCOS SUR

Bumulagta ang wala nang buhay na katawan ng isang 73 anyos na lalaki sa tapat ng kanyang bahay sa Brgy. Malaya, Cervantes, Ilocos Sur noong umaga ng Sabado.

Ayon sa ulat ng pulisya, bibisita lang sana umano ang kaibigan ng biktima nang matuklasan ang katawan nito sa tapat ng kanyang bahay.

Sa pagsusuri naman ng doktor, inatake sa puso ang biktima na naging sanhi ng pagkasawi nito.

Lumalabas din na dalawang oras nang walang buhay ang biktima bago matagpuan ang katawan nito.

Ayon sa mga residente sa lugar, mag-isa lamang sa buhay ang biktima na posibleng dahilan kaya hindi agad ito naisugod sa pagamutan.

Facebook Comments