Bangkay ng OFW na Nagpakamatay sa Oman, Dumating na sa Isabela!

6189

Cauayan City, Isabela- Inaasahang iuuwi ngayong araw sa kanyang tahanan ang mga labi ng nagpakamatay na OFW sa Oman na si Analiza “Analyn” Laman-Cagurangan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Sangguniang Bayan Member Susan Duca ng bayan ng San Mariano, bandang alas 8:00 kagabi nang umalis mula sa NAIA Airport ang pamilya ni Analyn matapos salubungin ang bangkay nito at ibinyahe gamit ang sasakyan ng provincial Capitol.


Bago aniya iuuwi ang bangkay ni Cagurangan sa brgy. Balagan, San Mariano, Isabela ay idederetso muna ito sa punerarya sa nasabing bayan upang i-defrost ang bangkay nito.

Dagdag dito, nakatakdang makipagkita ngayong umaga si SB Duca sa agency ng OFW kasama ang pamilya nito para sa turn-over ng kanyang mga dokumento.

Magugunita na noong Nov. 4, 2019 nang kitilin ng nasabing OFW ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti nito sa loob ng kwarto habang siya’y naka-live video.

Facebook Comments

From Advertisers