MANILA – Umaasa ang Bangladesh Government na mababawi pa nila ang 81-Million Dollars na ninakaw mula sa kanilang bangko na na-trace na naka-deposito sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC).Ayon kay Bangladeshi Ambassador to Manila John Gomes, inaasahan nilang gagawin ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat upang maibalik ang pera.Pero ayon kay Senator Teofisto ‘TG’ Guingona ng Senate Blue Ribbon Committee, mukhang malabo na itong mabawi.Ayon naman sa Anti-Money Laudering Council (AMLC), hindi sila obligadong mag-report ng kahina-hinalang transaksyon sa mga casino dahil hindi nila ito sakop.Kaugnay nito, siniguro ng ilang Senador na maa-amyendahan na ang anti-money laudering law sa bansa.
Facebook Comments