BANGON MARAWI | 90 bilyong pisong pondo, kakailanganin sa rehabilitasyon

Marawi City – Naniniwala si Marawi City Mayor Mahul Gandambra na aabutin ng 90 bilyong piso ang kailangang pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa briefing sa MalacaƱang ay sinabi ni Gandambra na base sa consolidated master plan na kanilang naisumite ay aabot sa 90 billion pesos ang kakailanganing pondo para maitayong muli ang lungsod at maibalik sa normal ang buhay ng mga residente nito.

Paliwanag ni Gandambra na bukod sa pagbangon ay pagagandahin pa nia ang lungsod kaya mataas ang kanilang isinumiteng kakailanganing pondo.


Hindi din naman aniya ilalaan sa rebuilding ang pondo kundi pati na rin sa pagpapanumbalik ng ekonomiya ng Marawi City.

30 bilyong Piso din aniya ang nakuha niyang impormasyon na gagamitin para sa susunod na taon taliwas sa unang lumabas na 10 bilyong piso.

Facebook Comments