BURI, biktima ng laro ng pulitika?

Manila, Philippines – Iginiit ng Busan Universal Rails Inc. na hindi ito dapat maipit sa away pulitika ng mga nagtutunggaling grupo .

Ikinalungkot ni Spokesperson Atty. Maricris Pahate na kung tutuusin sila ang agrabyado sa kontrata ngunit ngayon sila pa ang kinakasuhan.

Pakiusap ni Atty. Pahate sa Bagong Alyansang Makabayan na sana ay tinanong muna sila para naipaliwanag ang pinasok nilang kontrata sa noon ay Department of Transportation and Communication.


Naniniwala ang BURI na ang pagsasampa sa kanila ng plunder ay may layuning ma-divert ang atensyon ng publiko dahil sa palpak na operasyon ng MRT-3.

Tibiyak ng BURI na masasagot nila ng maayos at tama ang reklamo laban sa kanila.

Facebook Comments