Mahigit kalahating milyon katao mula sa iba’t-ibang sektor ang inaasagang dadalo sa isasawang Bangsamoro general assembly na pangangasiwaan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).
Ayon kay MILF First Vice Chairman for Political Affairs at BTC Chair Ghazali Jaafar, ang naturang asembleya ay pagpapakita ng malawakang pagsuporta sa pagsusulong na maisabatas ang bagong panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na ngayon ay nasa kamay na ng Kongreso.
Gaganapin sa Maguindanao Old Capitol sa barangay Simuay, bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao sa nobyembre 3-4 ang naturang aktibidad.
Sinabi pa ni Jaafar na ang Bangsamoro general assembly ay suportado din ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamumuno ni Datu Muslimin Sema.
Upang maging organisado, maging maayos at matiwasay na maisagawa ang dalawang araw na pagtitipon ay bumuo ng mga komite ang MILF na mangangasiwa sa bawat aspeto nito lalo na sa usapin ng seguridad.
Inaasahang dadalo sa okasyon si Pangulong Rodrigo Duterte, ilang senador at kongresista.
Bangsamoro general assembly, pangangasiwaan ng MILF at BTC!
Facebook Comments