Nakatanggap ng isang milyong pisong pondo ang bayan ng Bani para sa rehabilitasyon ng Bangrin pavilion sa Mangrove Marine Protected Area, bilang bahagi ng kanilang pagkapanalo sa Malinis at Masaganang Karagatan: Search for Most Outstanding Coastal Community sa Ilocos Region.
Ayon kay Municipal Agriculturist Jeffrey Pamo, plano nilang palawakin pa ang mangrove plantation sa bayan upang maging isang santuwaryo para sa mga isda at migratory birds.
Dagdag pa ni Pamo, ang Ilan pang Pondo ay gagamitin para sa coral protection at seaweed production development, isang alternatibong kabuhayan para sa mga mangingisda at mga pamilya nito.
Ang matagumpay na programa sa marine protection ng Bani ay naging dahilan umano ng kanilang pagkapanalo, pati na rin ang aktibong suporta ng mga lokal na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨