KABAHAYAN SA DALAWANG BARANGAY SA MANGALDAN, NAWALAN NG KURYENTE DAHIL SA PICK UP NA BUMANGGA SA POSTE

Bumagsak ang isang poste ng kuryente sa Barangay Gueguesangen, Mangaldan matapos na aksidenteng mabangga ng isang pick-up.

Ayon sa mga nakatira sa harap ng pinangyarihan ng insidente, bandang alas tres o alas kwatro ng madaling araw nang magising ang mga ito nang makarinig ng malakas na tunog.

Nang sila ay lumabas ng kanilang bahay nakita na nila ang pick up na bumangga sa poste ng kuryente.

Pumutok umano ang isa sa harapang gulong ng naturang sasakyan kaya ito nawalan ng kontrol at bumangga sa poste.

Dahil dito, nawalan ng kuryente ang mga kabahayan sa Barangay Alitaya at Gueguesangen.

Agad din naman itong pinuntahan ng Electric provider at naibalik din kahapon ang daloy ng kuryente matapos itong palitan ng concrete post.

Paalala ng awtoridad, siguraduhing naka kondisyon ang sasakyan bago bumyahe upang maiwasan ang anumang aksidente.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments