Bank Manager at dalawang iba pa, arestado sa drug buy-bust operation ng QCPD

Arestado ang isang Bank Manager at dalawa niyang kasamahan sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Project 4 Police Station 8 o PS 8.

Kinilala ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Ronnie Montejo ang Bank Manager na si Robby Cas, 34, at residente ng San Andres, Manila, habang ang mga kasama niya ay kinilalang sina Rodolf John Lazaro at Mark Anthony Estillore, mga residente ng Brgy. Sto. Nino at Moonwalk, Parañaque City.

Isang confidential informant ang nag-tip sa illegal drug activities ng tatlo sa Barangay San Roque sa Quezon City.


Dito na nagkasa ng buy-bust operation sa may 18th Ave. sa kanto ng P. Tuazon Blvd. Brgy. San Roque, Murphy na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakuha sa tatlo ang apat na sachet ng shabu na may street value na P24,500.00, at dalawang  cellular phones na gamit nila sa transaksyon at buy-bust money.

Facebook Comments