Mga residente ng Barangay Addition Hills at Mauway sa Mandaluyong City, dumagsa sa mga palengke matapos ang total lockdown

Hindi napigilan ang pagdagsa ng mga residente sa mga palengke matapos alisin ang total lockdown sa Barangay Addition Hills at Mauway sa Mandaluyong City.

Dinagsa ng mga mamimili ang Mandaluyong Public Market 2 at Martinez Public Market, gayundin ang mga talipapa sa looban ng mga kalye.

Nanatili naman ang social distancing dahil mayroong mga pulis na nagbabantay sa lugar para panatilihin ang kaayusan at paalalahanan ang mga tao upang hindi na madagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19  sa lungsod.


Nabatid na umabot sa kabuuang 4,000 indibidwal ang sumailalim sa mass testing sa kasagsagan ng total lockdown, sa Barangay Addition Hills at Mauway na nangungunang mga barangay pagdating sa may mataas na kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City.

Facebook Comments