
Sang-ayon ang Malacañang na hindi dapat basta tawaging “mastermind” o “scam” si Vice President Sara Duterte kaugnay ng isyu sa confidential funds hangga’t wala pang sapat na ebidensya at pinal na desisyon.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi angkop ang “mastermind” para ilarawan ang isang taong inaakusahan pa lamang.
Bilang abogado, iginiit ni Castro na dapat maging maingat sa paggamit ng mga ganitong termino.
Maging ang salitang “scam” ay dapat gamitin lamang kung napatunayan nang may panloloko o paglustay sa pondo ng bayan.
Giit ng Palasyo, ebidensya at pinal na desisyon ang dapat maging batayan bago magbigay ng mabibigat na paratang.
Facebook Comments










