Thursday, August 27, 2026

Pagpresenta kay Col. Lachica sa impeachment trial, pag-aaralang mabuti ng House Prosecution Panel

Maingat pang pag-aaralan ng House Prosecution Panel kung ipiprisenta nila si Col. Raymund Dante Lachica sa impeachment trial na syang itinuturong pinagbigyan ng 500-million pesos na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Sabi ni House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, titingnan nilang kung kailangan pa ang testimonya ni Lachica na nagsabing handa syang humarap sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Aminado si Chua na nakakatakot ang pahayag ni Lachica na handa syang tumayo sa witness stand dahil hindi nila alam ang nasa isip nito bilang hostile witness at hindi rin sila sigurado kung magsasabi ba ito ng totoo o baka mayroon itong nakahandang script.

Facebook Comments