Bansang Italy, naka-lockdown dahil sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Isinailalim sa lockdown ang ilang bahagi ng Europa partikular ang lahat ng rehiyon sa bansang Italy dahil sa banta ng Coronavirus disease o COVID-19.

Una ng ipinatupad ang kautusan ni Prime Minister Giuseppe Conte.

Ayon kay Ginoong Mark Toquero, isang Pilipino na naninirahan sa Italya, pinagbawalan na aniya ng mga awtoridad ang paglabas-labas sa mga kabahayan ng mga tao para makaiwas sa posibleng panganib ng nasabing sakit.


Dagdag pa ni Ginoong Toquero na higit na apektado ng covid-19 ang rehiyon ng Lumbardi na nasa hilagang bahagi malapit sa bansang Milan at Switzerland.

Ayon sa ulat, pumalo na sa 300 ang mga namatay sa Lombardy region na unang isinailalim sa lockdown.

Mahigpit ang isinasagawang pagbabantay ng mga awtoridad sa publiko at tinitiyak na may kaukulang panlaban sa sakit gaya ng pagsusuot ng gwantes kung lalabas man ang mga ito sa kanilang tahanan.

Sinabi pa ni Ginoong Toquero na dahil sa pangamba ng ilang italyano ay hindi na rin pinapayagan ang mga manggagawang Pilipino na magtrabaho sa italya.

Ipinagpaliban naman ng embahada ng pilipinas sa italya ang pagbisita ngayong marso dahil sa banta ng covid-19.

Facebook Comments