BANTA | Death threat kay Manila Times Reporter Jomar Canlas, direktang pag-atake sa press freedom

66

Manila, Philippines – Kinukundena ng mga mamamahayag na nagco-cover ng DOJ, NBI at Supreme Court o Justice beat, ang natanggap na banta sa buhay ni Manila Times reporter Jomar Canlas, kasunod ng mga naging testimoniya nito sa nagpapatuloy impeachment trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa statement na inilabas ng Justice Reporters Organization (JUROR), ang death threat na natanggap ni Canlas ay ikinukonsidera nila bilang direktang pagatake sa kalayaan ng pamamahayag sa bansa.

Anila, ang mga mamamahayag na ginagawa ang ka*n*ilang tungkulin sa pagbabalita, lalo na kung may kinalaman sa gobyerno ay hindi dapat maging target ng mga pagatake at intimidasyon

Facebook Comments