Bantang pagsasara ng mga maliliit na negosyo dahil sa dagdag-sahod sa mga minimum wage earner, tinawag na “scare tactics” ng ALU-TUCP!

Pinalagan ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang apela ng employers group na i-exempt ang micro-enterprise sa implementasyon ng dagdag-sahod sa mga minimum wage earner.

Sa panayam ng RMN Manila, tinawag ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay na “scare tactics” ang banta ng Employers’ Confederation of the Philippines na posibleng magsara kung hindi kakayanin ng mga maliliit na negosyo ang dagdag-sahod sa kanilang mga manggagawa.

Hamon ni Tanjusay, patunayan ng ECOP na nalulugi ang mga ito.


Giit pa ni Tanjusay, kung totoong maraming kompanya ang nalulugi ay maaari naman silang maghain ng exemption.

Facebook Comments