Grade 4 Student at kanyang Tatay, Patay sa Pagkalunod

21
Cauayan City, Isabela- Narekober na ang bangkay ng mag-ama na hinihinalang biktima ng pagkalunod noong May 14, 2022 sa Banawel, Natonin, Mountain Province.

Batay sa report ng mga awtoridad, kinilala ang mag-ama na sina Renz Ardel Charwasen, Grade 4 student at Rindo Charwasen.

Lumabas sa ulat na umalis ang mga biktima patungong Sitio Nambatuwan, Banawel matapos ang kanilang pananghalian, bago bumalik sa ilog sa Parokok, Banawel. Hinanap sila ng mga kaanak ng mga biktima matapos nilang mapansin na hindi na umuuwi ang nasabing mag-ama

Kahapon, May 15, 2022, natagpuan ang katawan ng nakatatandang si Charwasen sa ilog na tinatayang nasa limang (5) metro ang lalim habang natagpuan naman ang bata mula sa dalawang (2) metro ang layo mula sa kanyang ama na wala ng buhay.

Labis naman ang lungkot ng pamilya dahil sa sinapit ng mag-ama.
(Source: DepEd Tayo Mt. Province)

Facebook Comments