62.33% voter turnout, naitala sa Singapore

53
Photo Courtesy: Philippine Embassy in Singapore Facebook Page

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph del Mar Yap ang 62.33% voter turnout na naitala sa absentee voting sa Singapore.

Ito ay katumbas ng 52,908 na bilang ng mga Pilipino sa Singapore na lumahok sa halalan.

Mula naman ito sa kabuuang 84,877 registered Filipino voters doon.


Ayon kay Ambassador Yap, ito ang pinakamataas na turnout sa buong Asia-Pacific region.

Ito rin aniya ang pinakamataas na voter turnout na naitala ng Embassy sa overseas voting mula noong 2004.

Facebook Comments