Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan si Senate Majority Leader Tito Sotto III para ikabahala ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtatag ng isang revolutionary government.
Giit ni Senator Sotto, sa ngayon ay idea lamang ng Pangulo ang hinggil sa revolutionary government.
Naniniwala si Sotto na may hawak ang Pangulong Duterte na mga impormasyon na lingid sa ating kaalaman.
Ayon kay Sotto, marahil ay nakikita ng Pangulo na posibleng malagay sa alangin ang katatagan ng bansa base sa nabanggit na mga impormasyon.
Kumbinsido si Sotto na iniisip lang ng Pangulo ang mga hakbang para protektahan ang bansa at ang mamamayan.
Sotto:
Tha President has information not available to us. He probably feels the country’s stability could be in jeopardy that’s why he is thinking of ways to protect it just in case. It’s merely an idea at this point and i have no reason to be wary about it.