Pumpboats ng BIFF at mga IED narecover ng 6th ID at MILF

Nakarekober ng 10 bangka, 3 Improvised Explosive Device, 8 blasting caps, mga electrical wires, 2 solar panels, 212 volts batteries, bandana na may Arabic writings at mga kagamitan na pinaniniwalaang nagmumula sa mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad.

Matatandang nagdulot ng pangamba ang napaulat na presensya ng mga armado sa mga liblib na bahagi ng Talayan noong weekend.

Agad na nagresponde ang mga elemento ng 603rd Brigade ng 6th ID, 19th IB at BIAF MILF sa Sitio Nangkalan, Barangay Katibpuan, Talayan, Maguindanao resulta ng mabilis na pagtakas ng mga armado at iniwan ang mga kagamitan sa impormasyong ipinarating ni 6th ID CMO Chief army Col. Gerry Besana.


Patuloy pa ring nakaalerto ang buong hanay ng military, PNP at BIAF sa Maguindanao bunsod pa rin sa banta ng mga armadong di umanoy mga taga sunod ng mga terorista. (DENNIS ARCON)

FILE PIC

Facebook Comments