Sinimulan na ng Magat Dam na magpakawala ng tubig bilang paghahanda sa hagupit ng bagyong Rosita.
Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), 93 cubic meter per seconds ang pinakakawalan ng Magat Dam pero maaaring madagdagan depende sa lakas ng ulan.
Dahil dito, pinapayuhan ng NIA ang mga residente na iwasan ang pagtawid o mamalagi sa tabi ng ilog partikular sa mga bayan ng Sta. Maria, Sto, Tomas at Cabagan.
Maaapektuhan rin ng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam ang mga bayan ng Burgos, Aurora, Cabatuan, Gamu, Luna, Reina Mercedes, Ramos, San Mateo, Naguilian.
Inaabisuhan rin ang mga residente sa mabababang lugar na maaapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam na iligtas na dalhin sa ligtas na lugar ang kanilang mga gamit at mga alagang hayop.