BANTAY-BAGYO | PAGASA, pinayuhan ang publiko na gunitain nang mas maaga ang Undas

Pinayuhan ngayon ng PAGASA ang mga Pinoy na agahan ang pagpunta sa mga sementeryo ngayong Undas.

Kasunod na rin ito ng posibleng maging epekto ng bagyong Rosita, partikular sa mga direktang tatamaan nito.

Kaninang umaga ay pumasok na si Rosita sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at inaasahang magla-landfall ito sa Martes sa Cagayan-Isabela area.


Dahil dito, inaasahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, Northern, Central at Southern Luzon hanggang sa araw ng Undas.

Lunes ng gabi makararanas ng mahina sa katamtamang ulan sa hilaga at kanlutang bahagi ng Central Luzon.

Inaasahan ang malakas na ulan sa umaga ng Martes at dito na tutumbukin ng bagyo ang Central at Northern Luzon, partikular sa Isabela, Cagayan, Aurora at Quezon Province.

Nagbabala naman ang PAGASA ng posibleng mga pagbaha at landslide sa Northern Luzon.

Facebook Comments