UNDAS 2018 | Mga expressway sa Luzon – handa na

Kasado na ang malalaking expressway kasunod ng inaasahang pagbugso ng mga motorista na magpupunta sa mga sementeryo sa loob at labas ng Metro Manila upang gunitain ang Undas.

Ayon sa SMC Tollways, nakalatag na ang paghahanda ng SLEX, NAIAX, Star Tollway at TPLEX para sa malaking volume ng mga sasakyan na magsisimula sa October 31 hanggang November 5.

Sa ilalim ng Oplan Undas 2018, magde-deploy ng karagdagang traffic at security personnel ang SMC Tollways, maging ang mga ambulant tellers sa toll plaza.


Naglatag na rin roadmap stations sa mga strategic locations upang umalalay sa mga motorista.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng SMC Tollways ang mga motorista na planuhin ang kanilang lakad, i-check ang kanilang mga sasakyan kung nasa tamang kondisyon, maging alerto at sumunod sa batas trapiko.

Facebook Comments