Manila, Philippines – Inaprubahan na ng National Food Authority (NFA) Council na itaas na sa P3.70/kilo ang bilihan ng palay sa mga magsasaka.
Nangangahulugan na pepresyuhan na ngayon ng ng P20.70 per kilo ang produktong palay mula sa dating P17.
Pormal na ilulunsad ang National Palay Procurement Program sa Mindoro Occidental o sa Camarines Sur sa Biyernes, October 12.
Sa ilalim ng programa, ang mga magsasaka na makapag-de-deliver ng malinis at pinatuyong aning palay ay bibilhin ang kanilang produkto sa presyong P17 per kilo at makikinabang sa incentive na P3.70 per kilo .
Para naman mga cooperative na makapagde-deliver ng malalaking volume, makikinabang ang mga ito ng mga bonus sa anyo ng machinery and equipment tulad ng tractors, harvesters at Solar Powered Irrigation System.
Ang mga palay na mabibili sa panahon ng anihan ay gagamiting buffer stocks ng NFA para sa taong 2019 alinsunod sa layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapalakas ang rice reserves ng bansa.