NANLABAN | 6 na drug suspek patay sa buy-bust operation sa Rizal

278

Rodriguez, Rizal – Patay ang anim na drug suspek matapos ang isinagawang buy-bust operation sa San Jose Rodriguez Rizal kanina.

Ito Ang Kinumpirma ni Senior Superintendent Lou Evangelista ang provincial director ng Rizal Police Provincial Office.

Aniya alas-8:30 ng umaga kanina nang isagawa ang buy-bust operation laban sa mga drug suspek.

Nanlaban umabo ang mga ito kaya napatay ng mga nag-operate na pulis.

Nakuha sa pinangyarihan ng buy-bust operation ang 50 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga aniya ng 100 libong piso.

Wala naman aniyang naitalang sugatan o nasawi sa panig ng mga pulis.

Facebook Comments