BANTAY DAGAT, PATULOY SA PAGHAHANAP SA NAWAWALANG BINATILYO SA BAYBAYIN NG LAOAG

Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad sa paghahanap sa 12-anyos na binatilyong nawawala matapos maligo sa dagat sa Laoag City noong nakaraang Linggo.

Kasabay ng paggunita ng Undas, naka-alerto ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fire Protection (BFP) hindi lamang para sa seguridad ng mga tao sa mga sementeryo kundi pati sa mga nagpunta sa baybayin.

Ayon sa ulat, napansin na nawawala ang binatilyo matapos itong maligo sa dagat at hindi na muling nakita.

Patuloy ang search and rescue operation ng mga awtoridad sa baybayin at kalapit na bahagi ng ilog kung saan posibleng inanod ang binatilyo.

Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mag-ingat at unahin ang kaligtasan lalo na sa pagligo o paglalakad malapit sa dalampasigan.

Facebook Comments