Manila, Philippines – Magpapakalat ang Bureau of Immigration ng mga ahente nito na nakasibilyan na magbabantay sa mga dayuhang darating sa bansa bilang transit passengers.
Ito ang kautusan ni Immigration Port Operations Division Chief Marc Red Marinas sa border control and intelligence unit ng kawanihan kasunod nang pagkakaharang sa 5 dayuhan na gumamit ng mga pekeng pasaporte at nagsisilbi bilang human traffickers.
Bukod dito, inatasan rin ang mga tauhan ng immigration na mas busisiin ang travel documents ng transit passenger bago sila samahan sa departure gates ng paliparan at pasakayin sa connecting flights patungo sa huli nilang destinasyon.
Ito ay para masiguro narin na walang gumagamit ng ilegal o pekeng dokumento sa pagpasok sa pilipinas at pagtungo sa iba pang bansa sa gitna na rin ng hinalang sangkot ang mga ito sa illegal na aktibidad.