BANTAY PRESYO | Pinoy Tasty at Pinoy pandesal, hindi magmamahal hanggang sa katapusan ng taon

Manila, Philippines – Asahan na ang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga mamahaling tinapay sa mga susunod na araw.

Ayon kay Luisito Chavez, presidente ng Philippine Federation of Baker Association Incorporated, dulot ito ng pagmahal ng harina, asukal at iba pang sangkap ng paggawa ng tinapay dahil sa mataas na inflation rate.

Sa kabila nito, nangako naman aniya ang mga panadero na hindi itaas ang presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal hanggang sa katapusan ng taon.


Nabatid na piso hanggang dalawang pisong taas sa presyo ang inaasahan sa ilang brand ng tinapay na magiging epektibo sa mga susunod na araw.

Facebook Comments