Manila, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginagawa nila ang lahat para maprotektahan ang West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Chief of Staff, General Carlito Galvez, Jr., nagpadala na sila ng isang batalyon ng marines sa hilagang bahagi ng West Philippine Sea para magbantay.
Sinabi pa ni Galvez, nanatiling protektado nila ang siyam na isla kasama na rin ang pitong isla sa bahagi ng Sulu at Celebes Sea.
Hindi na idinetalye ni Galvez kung ano pa ang mga ginagawa nila para mapanatili ang soberenya ng Pilipinas sa kabila ng agresibong pagtatayo ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
Sa ngayon, hawak ng Pilipinas ang siyam na features ng Spratly Islands: kabilang ang Pagasa Island, Ayungin Shoal, Patag Island, Kota Island, Lawak Island, Parola Island, Rizal Reef, Likas Island, at Panat Island.