HAWAK NA | PNP, hawak na ang dalawang persons of interest sa pagpatay kay dating La Union Representative Eufranio Eriguel

Manila, Philippines – Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang persons of interest sa pagpaslang kay dating La Union Representative Eufranio Eriguel.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, aalamin nila ang posibleng papel ng dalawang indibidwal sa insidente.

Humingi na rin ng tulong ang pamilya Eriguel sa National Bureau of Investigation (NBI).


Nabatid na pinagbabaril ang dating mambabatas habang nagtatalumpati ito sa miting de avance nitong Sabado ng gabi.

Facebook Comments