Quezon City – Simula mamayang gabi, tututukan na ng Quezon City Police District ang mga subdibisyon sa lungsod Quezon para ilatag ang seguridad.
Ayon kay QCPD District Director P/Chief Supt Guillermo Eleazar na partikular na bibigyan ng seguridad ang mga subdibisyon na madaling ma-access ng publiko at walang nagbabantay na security personnel.
Tututukan ito ng pulisya dahil karamihan sa mga okupante ng bahay ay nasa lalawigan para sa paggunita ng Semana Santa.
Katunayan may ugnayan na ang pulisya at barangay officials para sa ilalatag na seguridad.
Kasama na rin sa babantayan ng pulisya ang lahat ng simbahan na may mga aktibidad ngayong Holy Week.
Paalala ng pulisya sa mga home owners na maging alerto at kung aalis ng bahay maaari nilang ipagbilin sa mapagkatiwalaang tao ang kanilang tahanan.
Paliwanag pa ni Eleazar na ngayong Semana Santa, sinuspinde muna ng QCPD ang operation tokhang habang ang drug operation naman na pinangangasiwaan ng Philippine Drug Enforcement Agency ay magpapatuloy.