BANTAY-TRILLANES | Mga pulis at sundalong inatasang umaresto kay Trillanes, off-limits sa Senado

13787

Manila, Philippines – Pina-off limits ni Senate President Tito Sotto III sa Senado ang mga pulis at sundalo na naatasan arestuhin si Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Sotto, magpapalabas sila ng memorandum para magpaalam muna ang mga sundalo at pulis na nais pumasok ng senate compound.

Aniya, dapat ay lumapit sa senate sergeant-of-arms ang mga pulis at sundalo na papasok sa kanilang lugar pero kailangan na muna ng kanilang permiso.

Sabi ni Sotto, hindi naman isyu ang mga pulis at sundalo sa paligid ng Senado dahil dagdag seguridad pa ang mga ito.

Pero giit ng senador kailangan lang ilagay sa ayos ang lahat.

Sa ngayon ay may ilang pulis pa rin na nananatili sa loob ng bakuran ng Senado.

Aniya kapag natapos nila ang memo ay agad nilang padadalhan ng kopya ang PNP.

Facebook Comments