BAR EXAM | Contingency plan, inilabas ng SC kaugnay sa nalalapit na bar exam

Manila, Philippines – Inilabas ng Supreme Court (SC) ang kanilang contingency plan para sa nalalapit na bar examination na gagawin sa Nobyembre 4, 11,18 at 25 sa University of Santo Tomas (UST).

Ayon kay Deputy Clerk of Court at Bar Confidant Ma. Cristina B. Layusa, 10 buses ang gagamitin para i-transport ang mga examinees at mga duty personnel papuntang UST mula sa ilang pick-up points sa oras na malakas ang ulan.

Aniya, magiging first-come, first-served basis rin ang pagsakay at kailangan lang ipresenta ang kanilang notice of admission, gate pass at identification cards.


Sa oras naman na bumaha sa loob ng UST compound bago magsimula ang pagsusulit, magbibigay rin ang SC ng commuter vans na maghahatid sa mga ito mula sa UST gates papunta sa kani-kanilang examination buildings.

Inaasahang aabot sa 9,000 ang ikukuha ng 2018 bar examinations na pinakamataas na bilang kumpara sa mga nakalipas na taon.

Facebook Comments