Barangay at SK Election, Naging Tahimik

Cauayan City, Isabela – Malaki ang naging papasasalamat ng pamunuan ng Isabela Police Provincial Office dahil sa naging tahimik ang nagdaang araw ng Barangay at SK Election dito sa lalawigan ng Isabela batay sa isinagawang pagmamanman ng kapulisan.

Sa naging pahayag ni Isabela Provincial Director Police Senior Superintendent Mariano Rodriguez, mas naging payapa ang buong Isabela sa mismong araw ng eleksyon kumpara sa bisperas ng eleksyon kung saan ay may mga nakarating sa kanyang tanggapan na di-umanoy harassment na nangyari ngunit sa pagresponde ng kapulisan sa mga lugar ay wala naman naging basehan ang reklamo.

Inihalimbawa ni Isabela PD PSSupt Mariano Rodriquez ang naunang pahayag ni Police Senior Inspector Rex Pascua, hepe ng PNP Jones na naging agresibo at mainit lamang ang mga suporters ng mga kandidato sa isang barangay sa Jones Isabela na pawang mga aligasyon lamang.


Ngunit sa kabuuan ayon pa kay PD PSSupt Rodriquez ay naging maayos ang bisperas at mismong araw ng Barangay at SK Election ng lalawigang Isabela.

Samantala nasa 60% pa lamang sa mga oras na ito ang natanggap ng Provincial Office na naiproklama na ang mga nanalo sa Barangay at SK Election.

Facebook Comments