Barangay at SK Elections, ipinapagpaliban sa May 2024

Inihain sa Kamara ang panukala para sa postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan election sa taong 2024.

Sa House Bill 10678 ni Deputy Speaker Wes Gatchalian, ang Barangay at SK elections ay iuurong sa May 6, 2024 mula sa dapat na petsa na December 5, 2022.

Inaamyendahan ng panukala ang Republic Act 11462 o an Act Postponing the May 2020 Barangay and SK elections.


Pagkatapos ng 2024 ay gagawing synchronized ang halalan ng barangay at SK na isasagawa muli sa May 2027 at kada tatlong taon.

Habang wala pang halalan ay mananatili pa rin sa posisyon ang mga kasalukuyang nakaupo sa pwesto maliban na lamang kung ang isang barangay official o SK official ay tatanggalin o sususpindihin.

Facebook Comments